September 25, 2026
FB_IMG_1790336807188

Photo Courtesy: PRO MIMAROPA

Ni Samuel Macmac

Tinatayang nagkakahalaga ng 1.87 milyong piso ang nakumpiskang 275.55 gramo ng shabu, kasama ang iba’t ibang baril, bala, at drug paraphernalia sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa MIMAROPA.

Matagumpay na nasabat ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Christopher R. Dela Cruz, Regional Director, ang operasyon laban sa ilegal na droga at loose firearms sa Sitio Madugo, Brgy. Bagumbayan, Roxas nitong Setyembre 24.

Himas-rehas ngayon ang isang lalaki na kinilalang High Value Individual (HVI) sa ilegal na droga. Narekober mula sa kanya ang iba’t ibang sachet at lalagyan na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu. Sa tala ng mga awtoridad, nasa tinatayang P1,873,740.00 ang halaga ng nasabat na ilegal na droga.

Bukod sa droga, kumpiskado rin ang isang caliber ng .22 rifle, isang caliber .45 Norinco pistol, iba’t ibang bala para sa 9mm, .45, at .38, pati na rin isang ammunition box. Nakuha rin ang digital weighing scale, improvised tooters, water pipe, at iba pang gamit na kaugnay sa ilegal na droga.

Ipinatupad ng Municipal Drug Enforcement Team ng Roxas Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Regional Intelligence Unit 4B, at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang Search Warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 43.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *