October 1, 2026
FB_IMG_1790831340584

Ni Rodolfo Idusora

Tree-planting activity sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) ang sama-samang pinagtulungan ng mga PDL o Persons Deprived of Liberty, na bahagi ng programa ng ahensiya para sa pangangalaga ng kapaligiran at food sustainability.

Pinangunahan ni IPPF Superintendent C/SUPT Edgardo F. Mendoza Jr. ang pagtatanim sa iba’t ibang bahagi ng IPPF compound sa Iwahig, Puerto Princesa City, noong Setyembre 23.

Ilan sa mga itinanim ang mga punong namumunga gaya ng avocado, mangga, papaya, at calamansi. Layunin ng programa na magamit ang mga bakanteng espasyo sa loob ng prison farm para sa pagtatanim ng mga halamang maaaring mapagkunan ng pagkain sa hinaharap.

Ayon kay Mendoza Jr., hindi lamang para sa kasalukuyan ang nasabing programa kundi para rin sa mga susunod na henerasyon.

“Ito lang ang maipapamana natin sa susunod na henerasyon,” pahayag ni Mendoza Jr., na binigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.

Inaasahang lalaki at mamumunga ang mga itinanim na puno sa mga susunod na taon. Maaari rin itong magsilbing dagdag na lilim at makatulong sa pagpapanatili ng mas maayos na kapaligiran sa loob ng IPPF.

Bahagi rin ito ng mga hakbang ng Bureau of Corrections (BuCor) na isulong ang mga programang may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan habang ginagampanan ang mandato nitong tiyakin ang ligtas na kustodiya at repormasyon ng Persons Deprived of Liberty (PDL).

Patuloy namang sinusuportahan ng BuCor ang mga programang nakatuon sa environmental sustainability, responsableng paggamit ng lupa at mga gawaing kapaki-pakinabang sa komunidad.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *