October 2, 2026

Gusto mo bang matikman ang sarap ng mga bagong produkto ng lalawigan?

0
FB_IMG_1790906029600

Photo Courtesy: Repetek

Ni via Albert Villamor Jr.

May mga bagong produkto ang “The Residence of Palawan Gourmet Pantry” para sa mga kabahayan, hotels, at resorts. Maaring gamitin ang mga ito sa anumang lutong aangkop ang mga naturang sangkap; may mga twist ito kumpara sa mga dati nang nailabas na produkto sa merkado.

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, Palawan Tourism Council, Provincial Agriculture, at Research and Development sa pangunguna ni Joy Oyson, nakalikha ng mga bagong produktong hitik sa lasa ng Palawan para matikman ng lahat.

Sa “Residence Line”, iilan sa mga bagong produktong na nalikha mula sa mga nag-aagrikultura sa Palawan ay ang: Tablea Bagoong; Chocolate Elixir; Pickled Tuyo; XO Sauce; Aglio Mussels; Truffle Honey Salt; at Sriracha Salt, at iba pa.

Noong Set. 26, nagkaroon ng “Tikim: A Palawan Residence Recipe Tasting”. Natikman ng mga inimbita ang apat na luto kung saan ginamit ang mga bagong sangkap na naimbento sa pangunguna ni Joy Oyson: Champorado Mix, Two-way Tinapa, Cream-based Pasta, at Salad.

“This is a long-time coming. People have always asked: what is the flavor of Palawan? What can we offer our tourists, what is very distinct about Palawan?,” ani ni Rix Rafols na ulo ng PTC.

Magkakaroon na rin ng ‘industrial packing’ ng mga naturang produkto ng “The Residence of Palawan Gourmet Pantry”. At hindi pa natatapos ang kanilang pag-develop ng mga produkto ng Palawan, dahil patuloy ang kanilang pagnanais na makagawa ng mga produktong maangat sa lasa ng pagkain na mula sa Palawan.

Para sa pagpapalawak ng naabot ng mga produktong Palawan, magiging available na rin ang mga ito sa Metro Manila.

“It will be available not just in Palawan, but it is going to be available already in Metro Manila. This is a great way to showcase the beauty of Palawan but also the goods, products that we have,” ayon din kay Rafols.

Para sa mga nais na mag-order ng iba’t ibang kulay at klase ng mga bagong produkto ng The Residence of Palawan Gourmet Pantry, maaring magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook Page sa ‘The Residence – Former Old Governor’s Residence’ o sa kanilang Instagram sa ‘theresidencepalawan’.

Ang mga supplier ng mga naturang produkto ay mga Palaweño.

Sa pagbebenta ng mga produkto, walang “middle man”, ayon din kay Rafols.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *