October 11, 2026
FB_IMG_1791505641809

Photo courtesy: PRC

Ni Rodolfo Idusora

Nagpadala ng assessment team ang Philippine Red Cross (PRC) Palawan Chapter sa mga nasunog na 36 kabahayan sa Barangay Masipag, Puerto Princesa City, noong gabi ng Oktubre 5.

Kabuuang 29 ang tuluyang nasunog at pitong bahay ang bahagyang napinsala, ayon sa ulat.

Nasa 51 pamilya o katumbas ng 191 indibidwal ang naapektuhan sa insidente.

Nagsimula ang sunog bandang alas-7 ng gabi na umabot sa unang alarma. Idineklarang naapula ang apoy bandang alas-10:14 ng gabi.

Tatlong lugar ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation centers ng mga residenteng lumikas.: s Barangay Hall, 13 pamilya o 55 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan. Dalawang pamilya o 10 indibidwal naman ang nasa Health Center, habang apat na pamilya o 12 indibidwal ang nasa chapel.

Agad na nagsagawa ng rapid assessment ang PRC Palawan Chapter upang matukoy ang pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Activated na rin ng PRC ang Barangay Red Cross 143 (RC143) volunteers upang tumulong sa pagtukoy ng pangangailangan at koordinasyon sa barangay.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang PRC sa mga opisyal ng Barangay Masipag para sa posibleng relief assistance at iba pang kinakailangang suporta. Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *