Tapahan ng balatan, nasunog
Photo Courtesy: BFP
Ni Rodolfo Idusora
Nilamon ng apoy ang tapahan ng balatan o sea cucumber sa Purok San Francisco 1, Barangay Tiniguiban, ngayong gabi ng Biyernes, Oktubre 9.
Mabilis na rumesponde ang mga bombero ng Bureau of Fire Protection (BFP) Puerto Princesa City para apulahin ang sunog sa lugar. Idineklarang “fire under control” ang sunog bandang 8:31 ng gabi bago tuluyang naapula makalipas ang pitong minuto.
Sa paunang ulat ng ahensiya, tinatayang nasa ₱1,000 lamang ang halaga ng pinsalang idinulot ng sunog.
Wala namang naitalang nasaktan sa insidente.
Wala pang karagdagang detalye tungkol sa pinagmulan ng sunog. Patuloy na inaasahan ang karagdagang impormasyon mula sa mga awtoridad hinggil sa insidente.