‘Sana maaksyunan agad’
Photos courtesy: Teacher Chinny Gacayan Aurelio-Panogan
Repetek News
Isinapubliko ni Teacher Chinny Gacayan Aurelio-Panogan ang ilang larawan ng partial damage o sira sa isang tulay sa Barangay Montible sa Lungsod ng Puerto Princesa partikular sa bahaging kahabaan ng Montible Prison and Penal Farm.
Panawagan niya na sana’y maaksyunan ang nasabing sira sa kalsada.
“[Sa mga bumabiyahe po papuntang west coast, may part ng tulay malapit sa Montible Prison and Penal Farm ang nasira. Sana maaksyunan agad],” pahayag ni Aurelio-Panogan.