Kinasuhan ng rape
Photo Courtesy:PalPPO
Ni Samuel Macmac
Walang piyansang inirekomenda ang korte sa kasong kinahaharap ng mangingisda na kabilang sa most wanted list sa Palawan nang dakipin siya sa manhunt operation ng pulisya.
May kasong statutory rape ang ikaanim na provincial most wanted. Kinilala sa alyas na “Ranil”, 49-anyos, may asawa, mangingisda, at residente ng Brgy. Alfonso XIII, Quezon, Palawan.
Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Setyembre 7, 2026, ng Regional Trial Court (RTC), Branch 165, Brooke’s Point, Palawan, kung saan walang piyansang nakasaad sa naturang kaso.
Ikinasa ang manhunt operation nitong Oktubre 10 sa nasabing barangay ng mga yunit ng Philippine National Police.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Quezon MPS ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.