October 11, 2026
IMG_20261011_193252

Photo Courtesy: City Mayor Lucilo R. Bayron

Ni Joana Pacquing

Patuloy ang programang pagpapalakas ng ‘child development’ sa Lungsod ng Puerto Princesa ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron.

Pinondohan ng kaniyang administrasyon ang pagpapatayo ng mga day care center bilang bahagi ng pagpapaunlad ng mental, social, physical, emotional well-being ng mga kabataan.

Ayon sa tanggapan ng Alkalde, nagsimulang ang pagpapatayo ng mga daycare center sa lungsod noong taong 2022 na layuning magbigay ng makabagong day care center na ligtas, makulay, at komportable para sa mga kabataan.

Photo Courtesy: City Mayor Lucilo R. Bayron

Sa makabagong day care center sa Puerto Princesa, mayroong Teacher’s Area, Activity Area, Learning Area, Dining Area, Kitchen Space, Washing Area, at Comfort Room upang masiguro ang magandang karanasan sa pag-aaral ng mga paslit.

“…mga bata (ay) na-excite sila siyempre ang ganda nga naman. Pagpasok nila, ‘wow, ganda!, may palaruan pa’. Iyon ‘yung mga bagay na malaking tulong sa mga bata, sa mga parent ang ginawa na ito ni Mayor na pag-support sa daycare service program sa Puerto Princesa,” pahayag ni Brend C. Viguela, Day Worker Worker.

“Ang ating mga teacher dito– ang mga daycare teacher po ay mga graduate po sila at nag-undergo po ng training. Hindi po sila basta-basta na lang magha-handle ng mga bata– which is magtuturo nang hindi po sila nag-undergo ng training po,” pahayag naman ni Darlene D. Javarez, Day Care Worker II.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *