October 20, 2026
FB_IMG_1792504086758

Photo courtesy: Kgd. Jerald Gales

Ni Rodolfo Idosura

Huli ng mga awtoridad ang magkasintahan sa ikinasang buy-bust operation sa Purok Maligaya, Barangay Bancao-Bancao, madaling araw ng Martes, Oktubre 20.

Target ng operasyon ang babaeng kinilala sa alyas na Baby, 29, na itinuturing umanong high-value individual (HVI) sa ilegal na droga. Nadakip din ang kanyang nobyong si alyas Bulantoy, 26, na umano’y kasama sa isinagawang transaksyon.

Kapwa nakatira ang mga suspek sa Purok Pagkakaisa, Pardeco, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), alas-12 ng hatinggabi nang bumili ang kanilang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa dalawa sa halagang ₱4,000.

Nakumpiska rin sa magkasintahan ang isang pouch na naglalaman ng ₱4,000 buy-bust money at dalawa pang sachet ng hinihinalang shabu.
Umabot sa mahigit tatlong gramo ang kabuuang timbang ng tatlong sachet, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱23,188.

Itinanggi ng magkasintahan na nagbebenta sila ng ilegal na droga. Ayon sa ulat, itinanggi rin ni Baby na gumagamit siya ng shabu, habang inamin naman ni Bulantoy na araw-araw siyang gumagamit nito.

Kapwa rin umano sila unang beses na naaresto kaugnay ng pagbebenta ng ilegal na droga.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong isasampa laban sa dalawa. Isasailalim din umano sila sa drug testing bilang bahagi ng mga susunod na hakbang sa imbestigasyon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *