Nag-amok, dinala sa presinto
Photo Courtesy: ACTF
Ni Rodolfo Idusora
Sa Police Station 1 binitbit ang isang lalaking umano’y lango sa alak. Ugat umano siya ng kaguluhan sa Barangay San Miguel.
Hindi rin umano siya mapakalma ng mga rumespondeng awtoridad kaya sa presinto siya nag-relax pansamantala.
Naganap ang pag-aamok sa Baltan Gabo Road, Barangay San Miguel, pasado 11:30 ng gabi.
Kinilala ang lalaking sangkot na si Alyas “John”, nasa hustong gulang, at residente ng Wescom Road.
Ayon sa ulat, nadatnan ng mga rumespondeng tauhan ang lalaki na nasa impluwensya umano ng alak. Nagreklamo naman laban sa kanya sina Leny, 35, at Gessele, 28, na kapwa residente ng Barangay San Miguel.
Kinausap at pinayuhan ng mga tauhan si Villaverto upang mapakalma ang sitwasyon, subalit hindi umano ito nagpaawat kaya dinala siya sa Police Station 1 at isinuko sa mga pulis para sa kaukulang disposisyon at imbestigasyon.