October 30, 2026
FB_IMG_1793276575135

Photo Courtesy: REPETEK

Ni Clea Faye G. Cahayag

Humigit-kumulang 2,500 runners ang nagsama-sama at nakiisa sa PalawanPay Trilogy Marathon- Palawan leg na ginanap sa RVM Sports Complex, lungsod ng Puerto Princesa, Oktubre 18.

Ayon kay Corporate Social Responsibility Head Gela Villanueva ng Palawan Group of Companies (PGC), matagumpay ang aktibidad sa kabila ng pabagu-bagong panahon.

Kahit umulan sa mismong araw ng marathon, hindi ito naging hadlang upang pigilan ang mga runners na tapusin ang pagtakbo sa iba’t ibang kategorya: 5K, 10K, 16K, 21K at 42K upang subukin ang kanilang kakayahan at mapanatili ang malusog na pangangatawan.

“I think were quite blessed pa rin with the weather today despite some rains towards the end which I think shows you hows life really goes and runners did enjoy the route that we have for all the categories and I think its a testament that runners have stayed for the program as well and also going around the race village with our sponsors,” aniya.

Sinabi ni Chief Marketing Officer Bernard V. Kaibigan, ang 16K ay nakatakdang ganapin sa Manila habang 21K naman sa Cebu at ang 42K sa Puerto Princesa bilang finale ng trilogy run ngunit nakansela ang aktibidad sa Manila bunsod ng masamang panahon.

Ito na ang ika-10 taong pagsasagawa ng Palawan Marathon at mahalaga ang Palawan leg dahil dito nagsimula ang PalawanPay Marathon at Palawan Pawnshop Group.

“Ang kaibahan talaga rito sa Puerto Princesa, as you know ang Palawan Pay Marathon talaga and Palawan Marathon ay nag-originate talaga sa Puerto Princesa and hindi makukumpleto ang trilogy run without the Puerto Princesa run at alam n’yo naman ang Palawan Pawnshop Group ay nag-originate din siya sa Puerto Princesa and were very proud na nakapag-hold kami ng ganitong activity rito sa homebase namin,” komento ni Kaibigan.

Samantala, paliwanag pa ni Villanueva, ang trilogy run ay isang “run for a cause” dahil magbibigay ang PGC ng dalawang (2) “fully-equip ambulance” sa ospital at infirmary sa Aklan at South Cotabato.

Aniya, maingat nilang pinili ang mga benepisyaryo at binigyang prayoridad ang higit na nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan. Sa susunod na araw, ipagkakaloob na sa Aklan ang unang ambulansiya.

Ayon naman kay Chief Financial Officer Lilian Castro-Selda, patuloy na sumusuporta ang PGC sa iba’t ibang programang pampalakasan dahil naniniwala itong mahalaga ang sports sa paghubog ng character at disiplina ng isang indibidwal.

Dagdag pa ni Chief Human Resources Officer Korina Castro-Fernando, ang health at wellness ay bahagi lamang ng corporate social responsibility ng PGC.

“Itong physical movement is for another movement or movement for a cause kaya lalong nakakainspire na mayroong dahilan ang aming mga pagkilos,” ani Fernando.

Samantala, ang PalawanPay Trilogy Run ay nagsilbing kick-off event ng Subaraw Biodiversity Festival sa lungsod.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *