November 3, 2026

Walang maibigay na konkretong ebidensiya sa pinagmulan ng sunog

0
FB_IMG_1793710449353

Photo Courtesy: REPETEK

Ni Albert Villamor Jr.

Pagdating sa eksaktong sanhi ng sunog na nagresulta sa trahedyang sinapit ng MV June Aster, walang maibigay na konkretong ebidensiya ang mga crew o tauhan nito.

Ito ang sagot ni Engr. Silverio Atienza, Pangulo at CEO ng Atienza Interisland Ferries Inc. (Atienza Shipping Lines), sa tanong ni Board Member Winston Arzaga kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkasunog ng ferry noong September 9.

“Nakadalawang beses ko na [pong] pinatawag iyong aming mga crew na involved doon sa barko na iyan. Wala po silang maibigay sa akin na konkretong ebidensiya o anuman na p’wedeng doon nagsimula. Kasi nga po ang nangyari is sila man po ay nabigla [r]oon sa pangyayari,” ani Atienza sa Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, Oktubre 27.

“Ultimo nga po iyong sabihin nating taga-engine room, engine department, e mayroon pong nasawing dalawa. Titingnan po natin ang sitwasyon, dapat sila po ang unang nakaalam dahil nasa baba lang po sila. Pero maging sila po nakasama sa ano,” dagdag pa niya.

Ang mga pahayag na ito ni Atienza ay matapos nang inilabas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng pagkasunog ng naturang ferry, Oktubre16.

Ayon sa BFP, nagkaroon ng sunog matapos aksidenteng maghalo ang chlorine (calcium hypochlorite) at asphalt dahil sa maalong dagat, sa parteng rear cargo ng ferry; pinalala pa ng faulty ventilation at maiinit na temperatura na nagsimula ng apoy.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *