November 3, 2026
FB_IMG_1793711120745

Photo Courtesy: REPETEK

Ni Albert Villamor Jr., LPT

Si Eric John Yayen ang nagmamay-ari ng ‘Ka-Inato’, na isang restaurant sa Puerto Princesa City. Pero alam mo bang may mga empleyado siyang pipi at bingi?

Sa Ka-Inato, may pantay na oportunidad sa trabaho ang mga kapatid nating pipi at bingi. May mga government benefits din silang natatamasa katulad ng SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth; at pareho ang kanilang suweldo sa mga indibidwal na nakaririnig.

Sinimulan ni Yayen ang pagha-hire sa mga pipi at bingi sa negosyo noong siya ay presidente pa ng Rotary Club of Puerto Princesa, sa ilalim ng Rotary International District 3830.

Naging inspirasyon niya ang kanyang karanasan sa Luneta Park, Maynila, kung saan may mga nakita siyang pipi at bingi na nagtatrabaho sa isang restaurant.

Hindi naging madali ang desisyon ni Yayen sa pagpapasok ng Persons With Disabilities (PWDs) sa trabaho, dahil may mga pagkontra ito; pero itinuloy pa rin niya ang pagbibigay ng trabaho sa mga pipi at bingi.

Nu’ng umpisa, isa lang ang empleyadong bingi ng Ka-Inato, pero dahil nahirapan siya na makipag-usap sa kanyang mga katrabaho, nag-hire uli ng isa pang bingi ang pamunuan ng Ka-Inato na inapruba ni Yayen.

Nakapag-adjust naman ang mga empleyado sa set-up, pero hindi ito perpekto. May mga pagkakataon kasi na may hindi pagkakaunawaan ang mga empleyado at customers ng restaurant.

May mga customers na hindi kaagad naiintindihan ang pamamaraan ng mga pipi at bingi sa pakikipag-usap. Pero inayos naman ito sa mga training. Dinidisiplina din ang mga PWDs kapag may nagawang pagkakamali sa trabaho.

Alam mo bang nakakapag-travel din sa abroad ang mga nagtatrabaho sa ‘Ka-Inato’? Sa susunod na taon, lilipad sila papuntang Vietnam; dati sa Thailand.

Maaring kumain sa ‘Ka-Inato’ sa kanilang mga branches sa KM. 4 North National Highway, Bgy. Tiniguiban; at National Highway ng Bgy. San Jose. Pero ang mga trabahador nilang pipi at bingi ay pagsisilbihan ang kanilang mga customers sa kanilang branch sa National Highway ng Bgy. San Manuel.

Salamat sa Rappler (Vic Albert Bagaan), DSWD (Rea Rosario Malite), at News City Press Philippines para sa kanilang karagdagang impormasyon para sa artikulong ito.

Ani nga ng Ka-Inato: “Flavor with a Heart”.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *