October 28, 2026
FB_IMG_1793019807507

Ni Albert Villamor Jr.

Isa sa bagong housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Collab Season 3.0 ang Palaweñong si Jeo Ong.

Makakasama ni Ong sina Raheel Bhyria, Nicole Fortuna, Robbie Jaworski, Shea Valerio, Primo Alterado, Cianne Dominguez, Anthony Constantino, Bela Arcal, Mikee Quintos, Gehlee, Ethan Benares, Winwyn Marquez, Lans Nagal, Nathan Garcia, at Calix Esguerra.

Sa pilot episode ng programa nitong gabi ng Sabado, Oktube 24, sinabi ni Ong na kulitan at enjoyment ang maasahan sa kanya ng iba pang 15 na housemates sa pamamalagi nila sa ‘Bahay ni Kuya’.

Si Melai Cantiveros-Francisco na isa sa mga host ng show ay binibiro na rin si Ong na gusto niyang makilala si Ong.

Ang moniker ni Ong sa bagong bagong season ng PBB ay “Ang Adventure Boy-Next-Door ng Palawan”.

Hindi si Ong kauna-unahang Palaweñong na naging housemate sa PBB. Sa ‘Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10’ na nagtapos noong 2022, naging housemate na si Samantha Bernardo na umuwi bilang isang runner-up.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *