Tagbanua woman, pinarangalan ng Ecofeminist Award sa bansang Armenia
Photo Courtesy: Google
Ni Albert Villamor Jr.
Kinilala noong Oktubre 21 ang isang babaeng Tagbanua sa dahil sa kanyang mga aksyon at pamumuno para sa biodiversity conservation, gender equality, at environmental justice.
Pinarangalan at kinilala si Monitte O. Lantas ng ‘Irene Dankelman Young Ecofeminist Award’ sa 17th Conference of the Parties to the Convention on Biological Diversity (CBD COP17), matapos siyang i-nominate ng NTFP-EP Philippines.
Si Lantas ay nagmula sa Narra, Palawan.
Bago manalo, si Lantas ay nagsisilbi ng Pangulo ng Nagkakaisang Kabataang Katutubo ng Narra (NKKN) at bilang kalihim ng Ugnayin National Indigenous Youth Network Philippines (UGNAYIN PH).
Ang NKKN ay isang maliit na grupo ng mga kabataang katutubo na nagsimulang maging adhikain ang paglilinis ng mga baybayin, pagtatanim ng mga puno, at community outreach; na lumaki bilang sumusuporta sa mga indigenous leaders sa pagdodokumento ng komunidad at nagmo-mobilize sa mga kabataan na protektahan ang kapaligiran.
Nanguna rin si Lantas sa environmental decision-making, community education on reproductive health, mapanirang mining, at pag-address ng maagang pag-aasawa ng mga kabataan.
“From youth-led mangrove restoration through Nature’s Heartbeat to community mobilizations against destructive mining in Palawan, her work shows what Indigenous youth leadership looks like on the ground,” ayon sa pahayag ng NTFP – EP Philippines.
Ang naturang pagkilala ay nagmula sa Women Engage for Common Future (WECF), Women’s Environment and Development Organization (WEDO), International Union for Conservation of Nature Netherlands National Committee of the Netherlands (IUCN NL), at Both ENDS.