Kaso ng theft, rape at murder, bumaba
Photo Courtesy: Repetek
Ni Samuel Macmac
Nabawasan ang naitalang kaso ng Index Crimes sa rehiyon ng 17.51 porsyento mula 514 sa 424 kaso, habang bumaba rin ang Focus Crimes ng 17.35 porsyento mula 513 sa 424 insidente sa loob ng anim na buwan.
Sa datos ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA mula Mayo 8 hanggang Nobyembre 3, 2026, malaking pagbaba sa mga kaso ng theft, rape at murder ang naitala ngayong 2026 kumpara noong kaparehong panahon.
Pinakamalaking ibinagsak ng kaso ng theft na umabot sa 36.51 porsyento, mula 126 kaso noong 2025 sa 80 kaso ngayong 2026.
Nagtala naman ang kaso ng rape ng 17.96 porsyentong pagbaba, mula 167 kaso sa 137 kaso, habang ang murder ay bumaba rin mula 46 kaso sa 37 kaso o katumbas ng 19.57 porsyento.
Ipinagmalaki naman ni PBGEN Christopher R. Dela Cruz, Regional Director, ang patuloy na pinalalakas na police visibility, intelligence-driven operations, at pakikipag-ugnayan ng publiko sa pulisya.