Wala pang kasong naisasampa sa pagkasunog ng Mv June Aster
Ni Albert Villamor Jr.
Noong Oktubre 27, nilinaw ni Atty. Maximo I. Bañares Jr., Director II –MARINA (Maritime Industry Authority (MARINA))- Region IV, na wala pang kasong naisasampa kaugnay sa nasunog na MV June Aster.
May isang Task Force na bubuuin para sa pagsisimula ng kaso at may plano nang simulan ang pagkakaso.
“Ah hindi. Hindi pa naka-file. May task force na gagawin po. ‘Di ba nag-meeting kami sa Manila? Inter-agency ang nakatoka po [r]iyan. Tasked ng ano po niyan is iyong Department of Justice (DOJ), pero nu’ng time na meeting namin wala pa po namang binanggit na naka-file na pero they’re planning to file cases kaya nga po nagkaroon ng inter-agency meeting,” pahayag ni Bañares.
Ang pagkasunog ng MV June Aster ay nagresulta sa 77 na nasawing mga katao at 43 na nakaligtas matapos maisalba ng Philippine Coast Guard at iba pang lokal na awtoridad.