October 23, 2026
FB_IMG_1792635319316

Photo courtesy: Irene Romasanta

Ni Rodolfo Idusora

Matinding pinsala sa harapang bahagi ng isang van ang makikita sa kumakalat na video nang maaksidente sa Acacia Tunnel, sakop ng Barangay Inagawan Sub, Puerto Princesa City, bandang alas-7 ng umaga ngayong Huwebes, Oktubre 22, 2026.

Matinding pinsala ang natamo ng van sa harapang bahagi nito, partikular sa tapat ng kinaroroonan ng drayber.

Ayon sa paunang impormasyong nakalap ng

Repetek News

, naipit ang drayber sa loob ng sasakyan at hindi agad nakalabas matapos ang aksidente.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung paano nangyari ang insidente at kung may iba pang nasugatan.

Patungo na sa lugar ang mga awtoridad upang alamin ang buong detalye ng aksidente, kabilang ang kalagayan ng drayber at ang posibleng sanhi ng pagkakasalpok ng van.

Wala pang kumpirmadong impormasyon kung may iba pang sasakyang sangkot sa insidente o kung naapektuhan ang daloy ng trapiko sa nasabing bahagi ng kalsada.

Patuloy na aalamin ng news team ang iba pang detalye habang hinihintay ang opisyal na impormasyon mula sa mga awtoridad.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *