Pagbibigay pugay sa Palawan Museum
Photo Courtesy: Palawan Museum
Ni Ferds Cuario
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Museum and Galleries Month ngayong buwan ng Oktubre, binigyang pugay noong kamakailan ang Palawan Museum sa Mendoza Park, Puerto Princesa City. Layunin nito na mas mapalapit sa publiko ang kasaysayan, kultura at yamang pamana ng Palaweño.
Dumalo sa seremonya si Dr. Nellie Abueg, pangulo ng Natural and Historical Foundation of Palawan and Puerto Princesa.
Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga local artists mula sa ILIG Palawenyo Creative Community. Present rin si Mr. Sammy Magbanua ang dating head ng Culture and Arts ng Provincial Capitol of Palawan.
Bilang pangunahing museo sa Puerto Princesa, nais ng City Tourism Office na muling ipakilala ang Palawan Museum sa mga residente at turista upang higit nilang makilala at mapahalagahan ang kasaysayan at kultura hindi lamang ng lungsod kundi ng buong Palawan.
Nanatili naman ang abot-kayang entrance fee sa Palawan Museum. ₱60 ang bayad para sa mga foreigners ay dayuhang visitors, habang ₱50 naman para sa mga lokal. ₱20 sa mga estudyante at ₱10 lamang sa mga bata.
Hinikayat ang mga residente, estudyante at turista na bisitahin ang Palawan Museum upang mas makilala at mapahalagahan ang mayamang kasaysayan, kultura at sining ng Palawan sa lungsod ng Puerto Princesa.