Patay na Dugong sa Binduyan
Photo Courtesy: PCSDS
Ni Samuel Macmac
Natagpuang wala nang buhay ang dugong sa Barangay Binduyan, Lungsod ng Puerto Princesa, dahil sa internal bleedinh pagdurugo ng loob ng katawan nito.
Unang namataan ng mga mangigisda ang lalaking dugong o Dugong dugon sa baybayin ng nabanggit na barangay. Sinubukan nilang itulak ito patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat ngunit muling nakita ang dugong sa parehong lugar na wala na itong buhay.
Agarang nagsagawa ng necropsy ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC), Philippine Coast Guard, at lokal na opisyal. Natukoy sa pagsusuri na pagdurugo sa loob ng katawan ng dugong ang naging snahi ng pagkamatay nito.
Napag-alaman din ng mga eksperto na may apat (4) na sugat at peklat din sa katawan ang nasabing hayop, ngunit hindi pa matiyak kung may kaugnayan ang mga ito sa pagkamatay.
Matapos ang pagsusuri, isinagawa ng mga kinauukulan ang tamang disposisyon sa labi ng dugong. Samantala, kabilang ito sa Critically Endangered Species alinsunod sa PCSD Resolution No. 23-967.