November 24, 2026
FB_IMG_1795525472704

Photo Courtesy: Repetek

Ni Albert Villamor Jr.

Para sa pagpapainam ng industriya ng pagbababoy sa Palawan, nagsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng gobyerno sa Dairy Production Development Center Building, Brgy. Irawan, Puerto Princesa City, Nobyembre 10-11, 2026.

Ang pagpupulong ay may pamagat na ‘Joint Convergence Meeting of Municipal Agriculturists, Municipal Livestock Focal Persons, and Sangguniang Bayan Members – Committee on Agriculture’. Pinangunahan ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office (PAgO).

Ayon sa Provincial Information Office (PIO)-Palawan, layunin ng convergence meeting o pagpupulong na: linawin ang mga probisyon at implementing rules ng ordinansa [Provincial Ordinance No. 3776], pagtibayin ang mga tungkulin ng bawat lokal na tanggapan, at magtatag ng magkakaugnay na sistema para sa monitoring, dokumentasyon, information dissemination, at enforcement, kasama ang mas maayos na bentahan ng baboy at pagbabantay kontra African Swine Fever (ASF) na naka-angka sa Provincial Ordinance No. 2846.

Mahalaga sa prosesong ito ang aktibong partisipasyon ng mga Municipal Agriculturist at Municipal Livestock Focal Persons sa price monitoring at pagsusumite ng mga ulat, gayundin ang suporta ng mga Sangguniang Bayan sa pagbuo ng mga kinakailangang lokal na resolusyon, mekanismo, at paglalaan ng pondo para sa pagpapatupad ng mga kaukulang hakbang; ayon pa rin sa PIO-Palawan.

Pinag-usapan din ang posibleng pagbuhay sa Municipal Bantay Baboy Task Forces at municipal price-monitoring teams.

Dinaluhan ang convergence ng 20 Municipal Agriculturists, 20 Sangguniang Bayan Members na kabilang sa Committee on Agriculture, at 20 Municipal Livestock Focal Persons, at ni Board Member Rafael Ortega Jr. na siyang Chairperson ng Committee on Agriculture ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan (SP-Palawan).

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *