October 28, 2026
FB_IMG_1793195036398

Photo Courtesy: Mutya ng Narra FB Page

Ni Ferds Cuario

Kinoronahan si Danica Jane R. Villar ng Barangay Panacan 2 bilang Mutya ng Narra 2026 sa Grand Coronation Night ng 23rd Palay Festival sa nabanggit na bayan.

Si Villar ay fourth-year Bachelor of Science in Tourism Management student ng Palawan State University–Narra Campus.

Bukod sa pangunahing korona, naiuwi rin niya ang mga special award na Ms. Photogenic, Best in Long Gown, Best in Swimsuit, Best in Talent, at Ms. Prince Choice Award.

Samantala, itinanghal na Miss Festival 2026 si Jeri Nicole Amino ng Barangay Teresa, habang Miss Tourism 2026 naman si Alaina Grace Verame, na mula rin sa Barangay Panacan 2.

First runner-up si Jary Angelique Dacocos ng Barangay Panacan, habang second runner-up si Lourene Rivera ng Barangay Bato-Bato.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *