October 24, 2026
1792742098223

Ni Samuel Macmac

Naaresto ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO) sa bayan ng Sofronio Española ang ikatlong pinaka-wanted na indibidwal sa lalawigan dahil sa kinakaharap na kasong panggagahasa o rape.

Himas-rehas ngayon ang suspek na kinilala sa alyas na alyas “Ram”, 46-anyos, traysikel drayber, at residente ng Brgy. Pulot Shore ng nasabi munisipyo. Dinakip siya sa pinagsanib na puwersa ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU)-Palawan PPO, Regional Intelligence Unit (RIU) 4B, at 401st Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB).

Ipinag-utos ng korte ang pag-aresto kay Ram sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas noong Setyembre 17 ng Regional Trial Court (RTC), Fourth Judicial Region, Branch 165, Brooke’s Point, Palawan. Walang inirekomendang piyansa para sa kasong rape.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Sofroñola MPS ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasagawa ng kaukulang legal na proseso.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *