November 3, 2026
FB_IMG_1793711843756

Photo courtesy: ACTF

Ni Rodolfo Idusora

Nauwi sa pag-aamok ang paghahanap ng lalaki sa kanyang charger nang umuwi sa kanilang bahay na lasing sa Liberty Puloy, Barangay Bagong Sikat, Puerto Princesa City.

Nadatnan ng mga rumespondeng tauhan ang mga barangay tanod at pulis mula sa Police Station 1 (PS1).

Ayon sa salaysay ni Joyce, 36-anyos, residente ng Barangay Bagong Sikat at kapatid ng inirereklamong si Zoren, 26-anyos, umuwi umano ang kanyang kapatid na lasing at hinahanap ang kanyang charger.

Dahil hindi nito makita ang hinahanap na charger, bigla umano itong nagalit at nagbasag ng mga paso sa kalsada.

Sa gitna ng pagwawala, aksidente ring tinamaan ng nabasag na paso ang salamin ng isang nakaparadang multicab sa gilid ng kalsada.

Dahil sa pangyayari, nakiusap si Joyce sa mga rumespondeng tauhan at pulis na dalhin muna ang kanyang kapatid sa Police Station 1 upang makapagpahinga at maiwasan ang karagdagang gulo.

Agad namang isinakay at dinala ng Team Abstract at mga pulis si Zoren sa himpilan. Sumunod din sa istasyon ang kanyang kapatid.

Pagdating sa PS1, maayos na ini-turnover ng mga rumesponde ang magkabilang panig sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang pag-asikaso.

Nagpasalamat naman si Joyce sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad.
Sa paghahanap ng charger, paso ang nabasag at salamin ng multicab ang nadamay.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *