Nangharang sa medical evacuation sa Ayungin
Photo courtesy: PCG
Ni Rodolfo Idusora
Halos sampung oras ang pagkaantala dahil sa panghaharang umano ng China Coast Guard, bago matagumpay na nailikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang tauhan ng Philippine Navy na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Huwebes, Oktubre 8.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, gumamit umano ng water cannon at paulit-ulit na pagharang ang mga barko ng China Coast Guard para harangin ang medical evacuation.
Naantala nang halos 10-oras ang paglilikas sa maysakit na tauhan ng Navy na nangangailangan ng agarang medikal na atensiyon.
Sa kabila ng panghaharang, ligtas na nailipat ang pasyente mula BRP Sierra Madre patungong BRP Cabra.
Ipinahinga muna ang kondisyon ng pasyente bago dinala sa pantalan ng Buliluyan sa Palawan para sa karagdagang medikal.
Patuloy na nagiging sentro ng tensiyon ang Ayungin Shoal dahil sa magkakasalungat na pag-aangkin ng Pilipinas at China sa mga bahagi ng West Philippine Sea.