Tirador ng bigas
Photo Courtesy: Kgd. Jerald Gales
Ni Rodolfo Idusora
Bigas na naman ang tinangay ng hindi pa nakikilalang magnanakaw nang pasukin ang isang tindahan ng bigas sa Barangay Tagburos sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon sa impormasyon, hindi lamang iisang tindahan ang pinuntirya ng suspek dahil iniuugnay rin ito sa sunud-sunod na pagnanakaw ng bigas sa Tagburos at mga kalapit na barangay.
Bukod sa mga saku-sakong bigas, iniulat ding nawawala ang isang top-down motorcycle na posibleng kabilang sa mga natangay sa magkakahiwalay na insidente.
Tinututukan na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek dahil sa paulit-ulit na insidente.
Patuloy na kinukumpleto ng mga awtoridad ang mga kinakailangang ebidensya at impormasyon upang matukoy at maaresto ang responsable sa mga pagnanakaw.
Pinapayuhan naman ang mga negosyante at residente na maging mapagmatyag at agad ipagbigay-alam sa pulisya ang anumang kahina-hinalang kilos sa kanilang lugar.
Umaasa ang mga biktima na matutukoy na ang suspek upang matigil na ang sunud-sunod na pagnanakaw at maibalik ang mga nawawalang ari-arian at paninda.