Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Palawan Affairs
  • Local Recruitment Activity, nakatakdang isagawa ng Provincial PESO para sa mga Palaweñong naghahanap ng trabaho
  • Community
  • Palawan Affairs

Local Recruitment Activity, nakatakdang isagawa ng Provincial PESO para sa mga Palaweñong naghahanap ng trabaho

Vivian Bautista August 2, 2023 2 minutes read
FB_IMG_1690987068709

PHOTO | PIO - PALAWAN

Ni Vivian R. Bautista

ANG Four Points by Sheraton Palawan (A Marriot Hotel) na matatagpuan sa Sitio Sabang, Barangay Cabayugan, Lungsod ng Puerto Princesa ay naghahanap ng mga aplikante para sa iba’t ibang departamento nito na nakatakdang isagawa sa ika-4 ng Agosto, 2023 na gaganapin sa Centennial Pavilion ng gusaling kapitolyo mula alas 11:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Naging posible ito sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan upang matulungan ang mga Palawenong naghahanap ng trabaho.

Iba’t ibang mga posisyon sa trabaho ang maaaring aplayan ng mga interesadong aplikante gaya ng Accounting, Culinary, Engineering, Food and Beverage, Front Office/Spa & Recreation, Housekeeping & Laundry, Loss Prevention/Security at Sales & Marketing.

Para sa mga interesadong mag-apply, dalhin lamang ang mga sumusunod gaya ng resume na may 2×2 ID picture, Transcript of Records (TOR), certificate, at iba pang mga dokumento tulad ng valid IDs. Para sa iba pang kaalaman, maaaring personal na tumungo sa tanggapan ng Provincial PESO na matatagpuan sa Rm 1A, GSO Building, Capitol Compound, lungsod ng Puerto Princesa.

Hangarin umano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamumuno ni Gob. V. Dennis M. Socrates na mabigyan ng pagkakataon ang mga Palaweño na makapag-apply ng trabaho sa mga lehitimong ahensya sa lalawigan o maging sa labas ng bansa sa pamamagitan ng mga isinasagawang recruitment activity ng Provincial PESO.

About the Author

Vivian Bautista

View All Posts

Post navigation

Previous: PHO, tiniyak ang patuloy na pagtutok sa pagsugpo ng sakit na Dengue
Next: Culminating Activity, isinagawa sa Aborlan bilang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025
News Page (4)
  • Headlines
  • National
  • Palawan Affairs

Iba kayo, Andes at Garzon!

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.