November 23, 2026
FB_IMG_1795355384836

Photo Courtesy: ACTF

Ni Rodolfo Idusora

Sinita at inisyuhan ng traffic violation tickets ang mga binatilyong motorista nang maaktuhang nagkakarera ng kani-kanilang mga motorsiklo sa North National Highway ng Puerto Princesa City.

Ayon sa ulat, mabilis umano ang pagpapatakbo ng mga motorsiklo na wala ring suot na safety helmet. Agaran umanong nag-eskapo ang mga kabataan sakay ng kani-kanilang mga motorsiklo.

Sinundan sila hanggang Lomboy Street, Bgy. San Jose, at sinubukang pahintuin; ngunit sa halip na sumunod, lalo pang binilisan ng mga binatilyo ang takbo.

Naabutan din ang grupo sa dulong bahagi ng Purok Bagong Pag-asa, Carloville, Barangay San Jose, kung saan sila inisyuhan ng kaukulang traffic violation tickets.

Kinilala ang mga sangkot na sina Filbert A. Jr.; 15, Lenoux L., 15; Aldrich A., 16; at Arrey J., 14, na pawang mga residente ng Barangay Sta. Lourdes.

Nahaharap sa mga paglabag ang mga binatilyong motorista. Ito ang ang pagmamaneho nang walang lisensya, overspeeding, careless driving, reckless driving, kawalan ng side mirror at plaka, hindi pagsusuot ng helmet, muffler violation, at kawalan ng functional lights.

Dinala sa Impounding Area sa Peneyra Road, Barangay San Pedro, ang lahat ng mga motorsiklong sangkot.

Paalala ng Anti-Crime Task Force sa mga magulang: bantayan ang kanilang mga anak at huwag hayaang magmaneho nang walang kaukulang lisensya at safety equipment

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *