PHOTO | MAYOR EMIL NERI, LINAPACAN, PALAWAN

Ni Ven Marck Botin

HULI sa akto ng mga awtoridad ang tatlong (3) mga mangingisda na illegal na nagsasagawa ng compressor fishing sa Bgy. Cabunlawan sa nabanggit na bayan.
Sa Facebook post, kinumpirma ni Mayor Emil Neri na ang โ€œtatlong suspek ay hindi dayo kundi [mga] residente ng isang barangay sa Western Linapacanโ€.

Nahuli ang mga suspek habang nagsasagawa ng regular seaborne patrol ang mga kapulisan ng bayan ng Linapacan sa pangunguna ni PLT John Rey Ciupan, Officer-In-Charge (PIC) Municipal Chief of Police.

Samantala, kumpiskado ang ginamit na bangka at iba pang mga gamit sa illegal pangingisda.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong paglabag sa โ€œProvincial Ordinance 819-2005, as amended by Provincial Ordinance 1643-2015โ€.