PHOTO | BUSUANGA PUBLIC INFORMATION

Ni Ven Marck Botin

OPISYAL nang ipinasa ang konstruksiyon ng Boat Landing sa Barangay Salvacion, sa bayan ng Busuanga, Palawan, nitong nakaraang Huwebes, ika-17 ng Agosto.

Ayon sa ulat ng Busuanga Public Information, ang proyekto ay pinondohan ng lokal na Pamahalaan at Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) na may kabuuang halaga na P866,415.29 kung saan ay makatutulong sa mga mamamayan ng nabanggit na bayan partikular na sa mga lokal na mangingisda.

Ang seremonyas ay pinangunahan ni Mayor Elizabeth Cervantes kasama ang mga kinatawan ng KALAHI-CIDSS, Sangguniang Bayan Member, at opisyales ng nabanggit na barangay.