PHOTO | BINIBINING SILKA

Ni Ven Marck Botin

KINORONAHAN ang Nursing Student na si Jamaica V. Long bilang Binibining Silka – Palawan 2023 nitong Sabado ng gabi, ika-26 ng Agosto, na ginanap sa Robinson’s Mall sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Si Binibining Long ay labing-siyam (19) na taong gulang, mag-aaral ng Holy Trinity University (HTU), at tubong Puerto Princesa.

Ang dalaga ay umuwi ng tumataginting na P30,000 cash prize, bouquet, sash, at Silka products, at siya rin ang magiging kinatawan ng lalawigan ng Palawan sa gaganaping Binibining Silka 2023 Grand Coronation Night sa darating na ika-29 ng Oktubre 2023.

Ang magwawagi sa national pageant ng Binibining Silka 2023 ay mag-uuwi ng P500,000 cash prize, movie and teleserye contract, at acting workshop sa isang malaking Television (TV) network sa bansa.

Samantala, itinanghal namang 1st Runner-up si Bb. Glyzel Ann Nathalie Suyat na umuwi ng tumataginting na 20,000 cash prize habang si Bb. Angeline Escaran ang itinanghal namang 2nd Runner-up kung saan nag-uwi ito ng 10,000 cash prize. Ang dalawang dalaga ay nakatanggap din ng sash, boquet, at Silka products.