PHOTO | WEBSITE RAPPLER

Ni Ven Marck Botin

HINDI pa tukoy ng pulisya ang mga salarin na bumaril sa lalaking maghahain ng kaniyang certificate of candidacy (COC) bilang barangay chairman sa bayan ng Midsayap, sa lalawigan ng Cotabato.

Ayon sa ulat, pababa ng sasakyan ang biktima para maghain ng kaniyang COC na kakandidato sa pagka- kapitan ng Bgy. Malingao nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek. Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian ito ng buhay.

Samantala, kinondena naman ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan ang pagpaslang sa biktima na naganap sa Municipal Compound ng nabanggit na bayan.

Ang Bgy. Malingao ay isang liblib na lugar sa Midsayap na kasalukuyang nasa hurisdiksyon ng Special Geographic Area o SGA ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.