PHOTO | FACEBOOK JERWIN SASUTOMA

Ni Ven Marck Botin

PATAY ang 51-taong-gulang na Barangay Captain ng San Jose sa bayan ng Libon, Albay, matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin, kahapon, Lunes, ika-28 ng Agosto.

Kinilala ang biktima na si Incumbent Barangay Captain at Reelectionist Alex Repato.

Ayon sa ulat ng nasyunal midya, ang biktima ay katatapos lang maghain ng kaniyang COC at kauuwi lamang sa kaniyang barangay ng pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay.

Naganap ang insidente sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) ngayong taon.

Samantala, naiulat din kamakailan na pinagbabaril at binawian ng buhay si Bgy. Nagpo Councilor Reliosa Mata at kaniyang asawa sa bayan ng Libon, Albay.