Ni Ven Marck Botin
Mahigit anim-na-daang (607) mga Palaweñong benepisyaryo mula sa apat na bayan na kinabibilangan ng Taytay, Roxas, San Vicente, at Linapacan ang napagkalooban ng libreng dental procedures ng “Do.It Help To Smile” organization katuwang ang Provincial Health Office (PHO) nitong nakalipas na ika-7 hanggang ika-13.
Layunin ng dental outreach program na mailapit sa mga mamamayan ang libreng serbisyong medikal na bahagi ng pagsusulong ng sektor ng kalusugan na prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ito ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng Western Command (WESCOM) Armed Forces of the Philippines (AFP) Dental Team, at mga volunteer private dentist practitioners gayundin ng mga lokal na pamahalaan ng apat na bayan.
Sa kabilang dako, taus-pusong nagpapasalamat ang mga naging benepisyaryo sa libreng serbisyong medikal.