Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Metro Puerto
  • Programang “kabilang ka na!”, nailapit sa mga katutubo’t mahihirap ng West Coast
  • Community
  • Metro Puerto

Programang “kabilang ka na!”, nailapit sa mga katutubo’t mahihirap ng West Coast

Ven Marck Botin October 1, 2023 2 minutes read
Programang "kabilang ka na!", nailapit sa mga katutubo't mahihirap ng West Coast

Photo |

Repetek News

Team

PALAWAN, Philippines — Nailapit ng Rotary Club of Puerto Princesa Central sa mga katutubo’t mahihirap na residente ng Barangay Napsan at mga karatig-lugar ang programang “Kabilang ka na! (You are counted)”, isang mobile birth registration para sa mga indibidwal na hindi pa rehistrado sa lokal civil registrar at Philippine Statistics Authority (PSA) nitong araw ng Miyerkules, ika-27 ng buwan ng Setyembre, ngayong taon.

Ang programa ay matagumpay na naisagawa sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlungsod, Puerto Princesa Civil Registrar, at tanggapan ng PSA na naglalayong makatulong sa mga residente partikular sa mga indibidwal na kolorum o wala pang sertipiko ng kapanganakan.

Maliban dito, nagkaroon din ng oportunidad na makapagparehistro at makakuha ng Philippine Identification (PhilID) o National ID ang mga residenteng naninirahan sa West Coast ng Puerto Princesa.

Sa panayam ng

Repetek News

kay Ginoong Samuel Magbanua, isang katutubong Tagbanua, kinumpirma nitong malaki umano ang naitulong ng programa matapos marehistro, mapabilang, at magkaroon ng sertipiko ng kapanganakan ang kaniyang anak na isinilang noong taong 2014.

Aniya, maraming beses na siyang nagtangka at magbayad sa mga nakalipas na taon ngunit hindi narehistro ang kaniyang anak kaya’t malaking naging abala umano ito sa pagkuha ng iba’t ibang social benefits gaya ng tulong pinansiyal na ibinibigay ng gobyerno sa mga mamamayang kabilang sa mga mahihirap o marginalized sector.

Sinabi rin ni Magbanua na malaki ang kaniyang natipid dahil nailapit sa kanila ang programang mobile birth registration

Aniya, ang sertipiko ng kapanganakan din umano ang pangunahing dokumento na kailangan sa mga paaralan at pagkuha ng mga benepisyo mula sa gobyerno, at pagproseso ng kanilang mga dokumento at transaksiyon sa hinaharap.

About the Author

Ven Marck Botin

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: PDLs galing Kamaynilaan, nailipat na sa Iwahig
Next: Puerto Vice Mayor Socrates, Tourism Head Alvior, nagbabahagi ng pasasalamat sa mga content creators

Related News

FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
2
  • Headlines
  • Metro Puerto
  • Police Report

Nahulog sa ginagawang kalsada?

Repetek News

August 21, 2025
ctmo
  • Headlines
  • Metro Puerto

‘Best practices’ ng ibang LGUs, nais matutunan ng city gov’t

Clea Faye Cahayag June 17, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.