Photo courtesy | PPO -Palawan

Ni Marie Fulgarinas

Nagtamo ng mga sugat sa kanang tuhod ang isang 69-anyos na lalaki matapos atakehin ng buwaya sa ilog ng Pinuwasan sa Barangay Sumbiling, Bataraza, Palawan, kahapon, ika-10 ng Oktubre 2023.

Batay sa ulat ng Super Radyo Palawan, naliligo umano sa ilog ang biktima nang atakehin ito ng buwaya bandang alas singko ng hapon, araw ng Martes.

Masuwerte namang nakaligtas ang biktima na nagtamo lamang ng minor injuries sa bahaging tuhod nito.

Kaugnay rito, kinilala ang biktima na si Oyong Pailon Miranda, residente ng naturang barangay.

Author