Photo courtesy | PIO- Palawan

PUERTO PRINCESA CITY โ€” Malugod na tinanggap ng mga school heads sa bayan ng Coron, Palawan, ang nasa walumpuโ€™t isang (81) printers na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panalalawigan ng Palawan sa pangunguna ni Atty. Christian Jay V. Cojamco, Provincial Information Officer, nitong ika-13 ng Oktubre 2023, na ginanap sa Municipal Coliseum ng nabanggit na bayan .

Brand HP Smart Tank 615 Wireless All-in-One Printers ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Special Education Fund (SEF)- Funded Printers.

Ang mga devices ay mula sa kabuuang bilang na 1,611 printers na pinondohan ng Administrasyong Socrates. Ilan sa mga ito una nang naipamahagi sa ibaโ€™t ibang bayan ng Palawan.

Ayon sa Provincial Information Office, ang pamamahagi ng printers ay layong makatulong sa pag-unlad ng antas ng edukasyon sa buong lalawigan.

Samantala, dumalo sa isinagawang turn-over ceremony ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Coron na kinabibilangan nina Mayor Mario T. Reyes, Jr.; Vice Mayor Asian Palanca; Sangguniang Bayan Members Michael G. Sadhwani at Jojo Rodriguez.