Photo courtesy | Puerto Princesa City Information Office

Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Binasbasan ngayong umaga, araw ng Lunes, Oktubre 23, ang mga bagong service vehicles ng Puerto Princesa City Government.

Sa Facebook post, kinumpirma ng City Information Office na kabuuang nasa labinsiyam (19) na bagong mga sasakyan ang binasbasan na kina bibilangan ng apat (4) na lorry truck, sampung (10) motorcycle units, at limang (5) response pickup na gagamitin bilang karagdagang emergency response vehicle sa buong lungsod.

Anila, ipapamahagi ang mga motorsiklo sa bawat Mini City Hall ng Lungsod ng Puerto Princesa habang pansamantalang nasa pangangalaga ng Emergency Operation Center (EOC) ng lungsod ang mga response pickup at lorry trucks.

Author