Photo courtesy | Narra Tourism Office

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY โ€” Opisyal nang ipinakilala sa publiko ang labing-isang (11) mga kandidata para sa Mutya ng Narra 2023 ngayong ika-20th Palay Festival ng nabanggit na bayan.

Sa Facebook post, ibinahagi ng Narra Tourism Office ang mga larawan ng nagagandahang dilag suot-suot ang kulay lilang makabagong disenyo ng kasuotang Pilipino โ€” ang modern Filipiniana Attire.

Mamayang gabi, Oktubre 21, gaganapin sa Municipal Gymnasium ang pre-pageant ng Mutya ng Narra ’23 tampok ang angking talento at nagagandahang festival costumes ng mga kandidata kung saan ipamamalas ng mga ito ang kanilang galing at mga makukulay na kasuotang nagpapakita ng kultura, tradisyon, at ang ipinagmamalaking produkto ng mga mamamayan ng bayan ng Narraโ€” ang produktong bigas at palay.

Author