Photo courtesy | PCSD

PUERTO PRINCESA CITY — Isang ahas o Dog Toothed Cat Snake ang nai-turn-over ng isang concerned citizen sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) nitong Oktubre 19, taong kasalukuyan.

Ayon sa ahensya, matagumpay umanong na-rescue ang naturang buhay-ilang sa sa Barangay Maligaya, bayan ng El Nido, Palawan, matapos mahuli sa loob ng tahanan ni Ginoong Musa na tinatayang nasa humigit-kumulang 1.5 metro ang haba na agaran namang pinakawalan upang maibalik sa natural nitong tahanan.