Screen grabbed | Save Palawan Movement

PUERTO PRINCESA CITY — Kasalukuyang ikinakabit ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Brooke’s Point at pamunuan ng National Commission for Indigenous People (NCIP) ang dalawang (2) Cease and Desist Order (CDO) o kautusan para ipatigil ang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation (INC) sa lugar.

Sa Facebook post, hinihikayat ng Save Palawan Movement na makiisa at sumuporta ang mamamayan na kontra mina kasama ang Local Government Unit (LGU) ng Brooke’s Point para sa pagtataguyod ng pangangalaga o proteksyon ng kalikasan at karapatan ng mga residente sa lugar.