Photo courtesy | Puerto Princesa Tourism Office

Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Muling dumaong sa pantalan ng Lungsod ng Puerto Princesa ang American Holland Cruise Ship Line, ngayong umaga, Biyernes, Nobyembre 16.

Sa Facebook post, kinumpirma ng City Tourism Office ang muling pagbabalik ng naturang barko lulan ang mahigit dalawanlibong (2,000) pasahero kabilang ang crew members nito.

Malugod silang sinalubong ng mga kawani ng lokal na ahensya, City Choir, at Banwa Dancers.

Matatandaan, dumaong din ito sa lungsod nitong nakalipas na Nobyembre 8.

Author