Photo courtesy | FB/MuhaimenVlogs

PUERTO PRINCESA CITY — Agarang naapula ng mga rumespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sumiklab na sunog sa pangunahing pamilihan ng bayan ng Bataraza ngayong araw, Miyerkules, Disyembre 6.

Ayon sa Facebook post ni Muhaimen Vlogs, ligtas na ang kanilang pamilihan ngayong araw kung saan hindi na rin kumalat ang apoy matapos maapula ng mga rumespondeng firefighters sa lugar. Sa ngayon, inaalam pa ang sanhi ng insidente. (via Marie Fulgarinas)

Author