Photo courtesy | Mayor Amy Alvarez

PUERTO PRINCESA CITY – Matagumpay na pinasinayaan nitong nakalipas na Disyembre 29, 2023, ang bagong tayong proyektong Multi-Purpose Building Cum Evacuation Center sa Barangay New Agutaya, sa bayan ng San Vicente, Palawan.

Naisakatuparan ang proyekto sa pamamagitan ng pagsisikap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang KALAHI CIDDS NCDDP-AF SanVic Team katuwang ang lokal na Pamahalaan ng naturang bayan.

Sa seremonyas, opisyal nang ipinagkaloob ni San Vicente Vice Mayor Ramir R. Pablico ang naturang gusali sa mga opisyal ng nasabing barangay.

Samantala, dumalo naman sina Punong Barangay Alex L. Baaco, Myrna Pablico, mga kawani ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) at BLGU Agutaya Officials.