Photo courtesy | Mayor Emil Neri

PUERTO PRINCESA CITY – Naihalal bilang pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) o Liga ng mga Barangay ng bayan ng Linapacan si Bgy. Calibangbangan Chairman Dennis Collado, kahapon, Lunes, Enero 15.

Uupo si Collado bilang ex-officio member ng Sangguniang Bayan ng Linapacan, Palawan.

Nahalal naman sina Punong Barangay Romeo Pacaldo ng New Colaylayan (Bulawit) bilang Bise Presidente; Punong Barangay Noel Cabiguen ng Barangonan bilang Kalihim; Punong Barangay Isidro Z. Daganta ng Cabunlawan bilang Auditor; at Punong Barangay Oscar Abrera ng Decabaitot bilang Miyembro ng Board of Directors.

Ang mga bagong halal na opisyal ay ang bubuo ng bagong liderato ng Liga ng mga Barangay sa nabanggit na bayan.

Samantala, nanumpa na rin ang mga ito sa kani-kanilang mga bagong tungkulin bilang miyembro ng Liga ng mga Barangay sa lugar. (Photo/Mayor Emil Neri) | via Ven Marck Botin