Photo Courtesy | Repetek

ISINAGAWA ngayong araw ng Linggo, Pebrero 11, 2024 ang awarding ceremony ng West Philippine Sea (WPS) Atin Ito! Video Reels Competition.

Isa-isang ipinakita sa publiko ang entries ng sampung Palawenyong finalists. Ang mga kalahok na ito ay nabigyan ng pagkakataon na mabisita ang Kalayaan partikular sa isla ng Pag-asa upang personal na makita ang lugar at makakuha ng kani-kanilang mga orihinal na footages may kinalaman sa naturang kompetisyon at adbokasiya para sa WPS.

Sa sampung partisipante, nakuha ni John Peter Vila ang unang puwesto. Siya ay nanalo ng cash prize na P15,000.

Ikalawang puwesto naman si Mark Oliver Mole na nakatanggap ng cash prize na P10,000 at Ikatlong puwesto naman si Caliph Feisal Baharan na nag-uwi ng P7,000.

Samantala, nasungkit naman ni Mark Anthony Tindog ang Peopleโ€™s Choice Award matapos makakuha ng 10, 242 reactions at facebook share ang kanyang video reel.

Nakatanggap naman ng consolation ang mga non-winners.

Ang aktibidad na ito ay handog ng Palawan Provincial Government, Kalayaan Local Government Unit (LGU) at Tactical Operations Wing West.