Photo Courtesy | Bayan ng Roxas, Palawan

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Matutunghayan ang iba’t ibang ‘art creations’ tampok ang ‘critically endangered wildlife’ na balintong o Pangolin sa pinakaaabangang Pangolin Craft Competition sa Municipal Hall ng bayan ng Roxas, Palawan.

Ngayong 2024, ito ang ika-apat na taong paggunita ng World’s Pangolin Day sa nabanggit na bayan. Layunin nito na mapaigtingin ang konserbasyon at pangangalaga sa ‘most trafficked wildlife in the world’— ang Balintong.

Sa buong Palawan, bayan ng Roxas lamang ang nagdiriwang ng World’s Pangolin Day.