Photo Courtesy | Mary Joy Romion

Babaeng may stage 4 Breast Cancer, humihingi ng tulong sa may mabubuting puso

Humihingi ng tulong pinansiyal sa mga netizens ang anak ni Ginang Maribel Romion para sa oxygen ng kanilang ina.

Si Ginang Romion ay kasalukuyang nagdaramdam ng stage 4 breast cancer o mga bukol sa dede na ayon sa kaniyang mga anak ay kumakalat sa lahat ng organs ng kanilang ina.

“Kami po ay muling humihingi ng kaunting tulong para sa kakailanganing oxygen po ni mama sa araw-araw. Siya po ay nakakaubos ng tatlong (3) tanke ng oxygen na nagkakahalaga ng 3,900 pesos sa isang araw po na gamutan.

Kami po ay [medyo] kapos na sa budget dahil po sa iba pang pangangailangan ni mama para po mabawasan ang sakit na iniinda nya.

[Lubos po] kaming nagpapasalamat sa inyong tulong, kahit magkano po ay malaking tulong na po [iyon], Panginoon nalang po ang bahalang magbalik sa inyo pong kabutihan… Maraming Salamat po,” paglalahad ni Mary Joy Romion sa kaniyang Facebook post.

Sa mga nais tumulong, makipag-ugnayan kay Binibining Mary Joy sa pamamagitan ng kaniyang numerong +63992 550 0582 o magpadala ng mensahe sa kaniyang Facebook account.