Photo Courtesy | Municipality of Narra, Palawan

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Ipinamahagi sa mga magsasaka ng Narra, Palawan, ang mga libreng abono nitong Pebrero 13 na ginanap sa municipal grandstand ng naturang bayan.

Ito ay pinangunahan ni Mayor Gerandy B. Danao katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Narra.

Ayon sa Local Government Unit (LGU) ng Narra, ang mga benepisyaryong magsasaka ay nagmula pa umano sa iba’t ibang barangay ng naturang munisipyo.

Layunin ng lokal na pamahalaan na matulungan ang mga magsasaka na maging maayos at produktibo ang kanilang pagsasaka.

Nakiisa sa pamamahagi ng libreng abono sina OIC Eugene Sumaydeng ng Municipal Agriculture Office (MAO), Ginoong Felipe Argueza Jr., at Benedicto Acosta ng Sangguniang Bayan.

Ang Narra ay kilala bilang “Rice Granary of Palawan,” ito ay tahanan ng malalawak na palayan na nagsusuplay ng bigas sa buong lalawigan.