Photo Courtesy |

Repetek News

Team

SAN VICENTE, Philippines โ€” Naiuwi ni Binibining Glyzel Ann Nathalie Suyat ng bayan ng Aborlan ang korona ng Mutya ng Pilipinas – Palawan 2023 na ginanap nitong Miyerkoles, Pebrero 21, 2024.

Itinanghal na First Runner Up si Bb. Fritzie Ultra Mendoza ng bayan ng Taytay, Second Runner Up ang kinatawan ng Lungsod ng Puerto Princesa na si Bb. Theresa Bertos, Third Runner Up si Bb. Francheska Yna Elevera ng bayan ng Culion, at Fourth Runner Up si Bb. Emerlyn Traballo ng bayan ng El Nido, Palawan.

Labinwalong (18) mga kandidata mula sa ibaโ€™t ibang bayan ng lalawigan ang naglaban-laban para sa koronaโ€™t titulo ng Mutya Ng Pilipinas – Palawan โ€˜23.